Kung anung buti nang ama siya namang sama nang anak nitong si Pepito.siya ay tamad at palabihis.Ibig ni pepito na makatawag pansin sa mga dalagita sa nayon.Lagi na lamang siyang nasa harap nang salamin at nag-aayos ng katawan.Ang paglilinis nang bahay at pagluluto nang pagkain ay siya na lamang gagawin ay hinsi pa niya magawa dahil ang lagi niyang ginawa ay pag-aayos nang kanyang sarili.Kapag siya ay sinasabihan at pinagagalitan nang ama ay nagagalit pa ito at sinasgot ang ama.
Isang tanghali. dumating ang ama na gutom na gutom at pagod na pagod.Dinatnan niyang wala pang lutong pagkain si Pepito.Tinatawag niya ito ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto.Nakita niya si Pepito na nasa harap nang salamin habang may hawak na pulang pulang suklay at sinusuklay ito sa kanyang buhok."Pepito magluto kana at gutom na ko" sabi nang ama sa kanyang anak.Sagot ni Pepito "Kung kayo ay nagugutom magluto kayo at wag mo kong abalahin dahil busog pa ko.At patuloy si Pepito sa pagsusuklay.
Nagsiklab sa galit si Estong Salamangkero sa anak.Sinugod niya si Pepito at kinuha ang suklay.Inihampas niya ito sa anak at malakas niyang sinabing "Mabuti pang wala akong anak na tamad at lapastanganan.Sapagkat lagi na lamang pagsusuklay nang pulang suklay na,manatili sana ito sa ulo mo habang buhay". At idiniin ni Estong Salamangkero ang suklay sa ulo nang anak.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni estong biling isang magaling na salamangkero, bigla biglang naging tandang si ang anak na tamad at lapastangan.At ang suklay nitong pula ay naging pulang palong.Hanggang ngayon makikita natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.At ito ang pagtatapos nang aking kwento. :))